Toll fee hike pinagpaliban ng isang araw

INANUNSYO Sabado, Abril 16, ng Toll Regulatory Board (TRB) na ipatutupad nila ang toll fee hike sa Metro Manila Skyway sa Abril 26 sa halip na Abril 25.

Ayon kay Julius Corpuz, tagapagsalita ng TRB, nagkasundo ang kanilang board na pansamantalang i-delay ang toll rate increase ng isang araw dahil kinokonsidera umano ang pagbabalik ng mga motorista na nagsipagbakasyon sa iba’t-ibang lalawigan nitong Semana Santa.

Naunang ipinahayg ng TRB na ipatutupad ang toll rate increase sa Metro Manila Skyway epektibo Abril 25.

Sa ilalim na inaprubahang ng TRB simula Abril 26, tataaas ang singil sa “elevated class 1” ng P44 mula Makati hanggang Bicutan, P41 Bicutan-Sucat, P41 mula Sucat-Alabang o kabuuang P147.

Sa mga “graded vehicles” naman ay sisingil ang Skyway ng P65 mula Magallanes-Bicutan, P31 mula Bicutan-Sucat, P31 mula Sucat-Alabang o kabuuang P106.

Nilinaw ng Skyway na hindi nila itinapat sa Semana Santa ang pagtataas sa singil sa toll upang hindi mabigatan ang mga inaasahang malaking bilang ng mga motorista na lalabas ng Metro Manila tungo Timog Katagalugan ngayong nalalapit na panahon ng Holy Week.

Inihayag din naman ng TRB ang pagtaas sa singil sa Coastal Road Ext. ng South Luzon Expressway mula Mayo 1.

Aakyat sa P58 ang singil sa Class 1 na sasakyan, P116 sa Class 2 at P174 sa Class 3. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply