Toll fees sa Metro Manila Skyway, aprub na sa TRB

MAGBABAYAD ang mga bakasyunistang nagmula sa selebrasyon ng Semana Santa ng mas mataas na toll fees dahil inaprubahan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang bagong rate para sa Metro Manila Skyway.

Simula Abril 26, ang Class 1 o pribadong behikulo na dadaaan sa elevate portions ng Skyway mula sa Makati hanggang Alabang at vice versa ay magbabayad ng halagang P147.

Ang Class 2 na sasakyan naman tulad ng bus ay magbabayad ng halagang P294, habang ang Class 3, kabilang ang mga trak, ay sisingilin ng P441.

Para sa Class 1 na sasakyan na dadaan sa bahaging “at grade”  o  ang Skyway road below, toll na mula Magallanes hanggang Alabang ay tataas sa halagang P106 mula sa kasalukuyang P65.

Sinabi ng TRB na ang bagong bayad o rates ay mababa kaysa sa iminungkahing bayad na isinunite ng Skyway investor, na Citra Metro Manila Tollways Corp.

Ang konstruksyon sa  Skyway ay kompleto na maliban na lamang sa ilang  minor improvements tulad ng asphalting, na nagresulta para magsikip ang trapiko.

Aasahan naman ng mga motorista na  magpapatuloy ang trapik sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan dahil aalisn pa ng CMMTC ang mga temporary ramps sa may Bicutan hanggang sa Sucat. Robert C. Ticzon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply