Toll hike bubulaga matapos ang Semana Santa

MATAPOS ang Semana Santa, bubulaga sa mga motorista ang pagtaas ng singil sa toll ng Skyway dahil natapos na ang ekstensyon nito mula Bicutan hanggang Alabang.

Ang pagtataaas ay inaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB), particular ang panukalang dagdag-singil sa toll fee ng Metro Manila Tollways Corp. na siyang namamahala sa Skyway.

Simula Abril 25, tataaas ang singil sa “elevated class 1” ng P44 mula Makati hanggang Bicutan, P41 Bicutan-Sucat, P41 mula Sucat-Alabang o kabuuang P147.

Sa mga “graded vehicles” naman ay sisingil ang Skyway ng P65 mula Magallanes-Bicutan, P31 mula Bicutan-Sucat, P31 mula Sucat-Alabang o kabuuang P106.

Nilinaw ng Skyway na hindi nila itinapat sa Semana Santa ang pagtataas sa singil sa toll upang hindi mabigatan ang mga inaasahang malaking bilang ng mga motorista na lalabas ng Metro Manila tungo Timog Katagalugan ngayong nalalapit na panahon ng Holy Week.

Inihayag din naman ng TRB ang pagtaas sa singil sa Coastal Road Ext. ng South Luzon Expressway mula Mayo 1.

Aakyat sa P58 ang singil sa Class 1 na sasakyan, P116 sa Class 2, at P174 sa Class 3. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply