Tondo, Caloocan, Navotas, mawawalan ng tubig

MAWAWALAN ng tubig ang ilang parte ng Tondo at sa northern Metro Manila ngayong April 14 hanggang 15 bunsod ng pag-upgrade ng water concessionaire Maynilad Water ng kanilang mga pipe network sa lungsod ng Caloocan.

Sa kanilang advisory na inilathala sa website, Huwebes, Abril 14, gagawin ang mga tubo bandang 10:00 p.m. ng Huwebes hanggang 1:00 p.m. ng Biyernes.
Pinapayuhan ang mga residente ng naturang lugar na mag-ipon ng sapat na tubig.
Maaari ring tumawag sa Maynilad Hotline 1626 para sa mga karagdagang impormasyon.

“These activities are expected to improve water pressure in parts of Caloocan, Navotas, Malabon, and Manila, aside from efficiently managing the water supply in the West zone,” ayon sa Maynilad.

Maaapektuhan ang Barangay 1 hanggang 20, 22 at 28 sa Caloocan City; Barangay North Bay Boulevard South at San Rafael Village sa Navotas City; Barangay Longos, Paradise Viilage at Gozon Compound sa Malabon City at Balut, sa Tondo, Manila. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply