Toni & Alex Gonzaga nagmumukir sa retreat house!

KINANSELA pala ni Mommy Pinty ang mabait na mother nina Toni and Alex Gonzaga ang trip nila for Hong Kong this Holy Week, na sana ang plano nila ay aalis nung Maundy Thursday.

Isa pa, maraming obligation sa church kung saan naging speaker si Daddy Carlitos at kumanta na lang si Toni during the service last Maundy Thursday and Good Friday.

Um-attend na rin sila sa retreat, kaya naman tunwang-tuwa ang kasamahan nila sa simbahan maging ang kanilang pastor kasi nga nakasama nila ang dalawang sikat na anak ni Mommy Pinty nitong nakaraang Lenten season.

Kaya pala sinu-swerte ang pamilya Gonzaga lalo na sina Toni and Alex sa kanilang showbiz career dahil hindi sila nakakalimot mag-share ng kanilang kinikita lalo na sa kanilang church.

Kahit kapalit nito ay halos “nagmukmukir” na lang sila sa retreat house.  Alam mo na!

oOo

Boy Abunda, 82 years old na madir ipaaabandona na lang!

HINDI pinagbigyan ng management ng ABS-CBN ang hiling ng King of Talk na si Kuya Boy  Abunda, ang hinihingi nitong leave noong nakaraang buwan lang.

Gusto sanang mag-leave ni Kuya Boy para alagaan ang may sakit na mahal niyang ina na si Nanay Luceng.

Kamakailan lang kasi dinala si Nanay Luceng sa UST Hospital for check-up. Sa edad na 82,  ay wala naman siyang malubhang sakit kundi dala lang iyon ng kanyang katandaan.

Alam naman nating lahat na mahal na mahal ni Kuya Boy ang kanyang nanay kaya gusto niya muna sanang  mag-leave para naman maalagaan niya nang husto ang mahal niyang nanay.

Alangan namang i-aabandona ni Kuya Boy ang mahal niyang madiraka, alam mo na!

Hindi kaya takot ang management ng Dos na bigyan si Kuya Boy ng  leave kasi nga baka hindi na ito bumalik at ma-pirate ng ibang network?

Paano na ang kanyang mga program lalo na ang “The Buzz” pag wala ang isang Boy Abunda, na siya lang ang may credibility pagdating sa kanyang mga opinion?

Hindi naman sa walang credibility ang mga kasamahan niya sa nasabing showbiz talk show pero iba ang dating ng King of Talk sa paghahatid ng mga balita inside showbiz. Alam mo na!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply