Torpedo nahukay sa US Embassy

SAMPUNG bala ng kinakalawang na “torpedo” at 30 iba’t ibang kalibre ng bala ang nahukay ng mga pulis sa isang construction site sa loob ng US Embassy Huwebes, Abril 29.

Itinawag ng mga security personnel ng US Embassy ang lokasyon ng mga nakalibing na vintage bombs matapos mapansin na may mga kinakalawang na bakal sa isinasagawang construction doon.

Dumating naman agad ang walo katao na SWAT team ng Pasay City Police at kinordonan ang lugar bago maingat na hinukay ang mga bomba.

Ayon kay SWAT chief Insp. Charito Allan Estrada, ang mga bala ay tinaguriang UXO o “unexploded ordnance ” at makaraan ang kanilang operasyon dakong 3:00-5:30 ng hapon ay dineklara ng ligtas ang lugar.

Dadalhin ang mga nakuhang vintage bombs sa mala-disyertong lugar sa Mt. Pinatubo upang doon pasabugin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply