Torre 4th place sa Jakarta

NAKISALO si Asia’s first grandmaster (GM) Eugene Torre sa apat na top seeds matapos ang ginanap na TELIN International Chess Tournament 2011 sa Graha Citra Caraka PT Telkom sa Jakarta, Indonesia.

Nakalikom ang 59-anyos na si Torre ng 6.5 puntos sa nine rounds of play kung saan nakasalo niya sina top seeded GM Merab Gagunshvilli ng Georgia, Dao at IM Dede Liu ng host country.

Napadpad sa fourth spot si Torre matapos ipatupad ang tie-break points.

Si Cerdas Barus ng Indonesia, na tinalo ni Torre sa fifth round ang siyang nag-kampeon matapos daigin ang kababayang si Irwanto Sadikin.

Nakapagtala si no. eight seeded Barus ng 7 points.

Pinayuko ni Gagunashvilli si IM Chandra Tirta Purnama ng Indonesia habang kinaldag naman ni Liu si GM Dibyendo Barua ng Indonesia.

Final standings;

7.5 points – C. Barus (Ind)
7.0 points – M. Gagunashvilli (Geo), T. Dao (Vie), E. Torre (Phi), Liu (Ind)
6.5 points – Z. Zhang (Sin), S. Irwanto (Ind), A. Wahono (Ind), T. Halay (Ind), S. Megaranto. Elech Dawa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply