Torre hindi natinag ni GM Zhong

IPINAKITA ni si Asia’s First Grandmaster Eugene Torre na kaya pa niyang makipagdikdikan sa mga importanteng laban, matapos pisakin si no. 2 seeded GM Zhang Zhong ng Singapore sa eighth at penultimate round upang makabalik sa liderato ng TELIN International Chess Tournament 2011 sa Graha Citra Caraka PT Telkom sa Jakarta, Indonesia.

Hawak ang disadvantageous black pieces, ang 59 anyos na si Torre ay nakalikom ng 6.5 points matapos ang walong laro kung saan ay kasalo nito sa top spot sina GM Dao Thien Hai ng Vietnam, GM Cerdas Barus at IM Sadikin Irwanto ng Indonesia.

Namayani si Dao kay Prayitno Sugeng ng Indonesia upang iayos ang paghaharap nila ng pambato ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) chairman/ president Prospero “Butch” Pichay Jr na si Torre.

Si Torre na gumawa ng pangalan noong 1974 kung saan ay nanalo itong silver medal sa board 1 sa Nice, France Chess Olympiad ay kailangan manalo kay Dao upang makuha niya ang kampeonato sa nasabing prestihiyosong event.

Nanaig naman si Barus sa kababayang si Johan Gunawan habang tabla naman si Irwanto kay top seed GM Merab Gagunashvili ng Georgia.

Sa top board nakatakdang magharap sina Torre at Dao habang sa board 2 sina Irwanto at Barus.

“Malaki ang tiwala ko kay Eugene (Torre) beterano yan,” sabi ni NCFP prexy Pichay. Elech Dawa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply