Plastic bags bawal na rin sa Taytay Rizal

MAHIGPIT na ring ipinagbabawal ng lokal na pamahalaan ng Tatay Rizal ang paggamit ng plastic bags at pagtatapon ng mga ito sa nasasakupang lugar.

Sa isang memorandum na inilabas ni Taytay Mayor Joric Gaculan, ang total ban sa plastic bags ay ipinarating sa kalaaman ng mga may-ari ng 4,000 registered establishments.

Kabilang sa mga inabisuhan ang public schools, hospitals, at government offices maging ang pribadong business establishments.

“There are numerous alternatives to non-biodegradable plastic bags. We have our baskets, bayongs, eco-bags, paper bags, cloth bags or katsa, bags made of recycled tetra packs and many others. We just have to be innovative and ingenious in finding substitute packaging materials or containers,” ani Gacula

Samantala, ang local council ay sinisimulan na rin ang pag-aaral para maipasa ang ordinansa na magpapataw ng parusa o multa sa mga lalabag na negosyante.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply