Total ban sa plastic inilatag ni Legarda

INILATAG ni Sen. Loren Legarda ang panukalang batas na ganap na magbabawal sa paggamit ng plastic bags sa buong bansa bilang tulong sa pagsugpo ng lumalalang polusyon sa bansa.

Ayon sa senadora, ang plastic bags ay labis na nakapipinsala sa mga daluyan ng tubig, drainage, ilog, dagat at iba pa dahilan ng polusyon sa tubig at pagkasira ng mga lamang dagat.

Ang polusyon naman ang nagiging panganib sa kalikasan na nagbubunga ng pagpapalit ng klima sa mundo o climate change.

Sinabi ni Legarda, chairperson ng Senate committee on climate change, batay sa ipinalabas na impormasyon mula sa United States Environment Protection Agency, tinatayang 500 bilyon hanggang 1 trilyong plastic bag ang ginagamit kada taon sa buong mundo.

Batay sa impormasyon ng World Wildlife Fund noong 2005, naglalaro sa 200 ang bilang ng marine species ang namamatay dahil sa mga plastic bag na itinatapong sa karagatan.

Ang epekto ng salot na plastic bags ay nagbunga ng matinding kalamidad nang nanalasa ang bagyong “Ondoy,” na nagdulot ng malakihang baha buong Metro Manila at karatig lalawigan noong 2009.

Ayon kay Legarda, ang Senate Bill 2759  o Total Plastic Bag Ban Act of 2011 na kanyang inihain ay makatutulong maiwasan ang lumalalang sitwasyon ng kalikasan

Ang panukalang batas ang maghihigpit sa bars, grocery stores, supermarkets, public markets, restaurants, fast food chains, department stores, retail stores at iba pang establisimiyento.

Sinumang lalabag sa panukalang batas ay pagmumultahin ng P10,000 sa first offense at P50,000 para sa ikalawang paglabag at P200,000 at suspensyon ng kanilang business permit para sa ikatlong paglabag. Amor Virata

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply