Total plastic ban ipatutupad sa malls, resto

MALAPIT nang ipatupad ang total plastic ban sa lahat ng mall, supermarket at restaurant sa buong kapuluan sakaling pagtibayin ng Kongreso ang panukalang nagbabawal sa paggamit ng kauri.

Dahil dito, hinikayat ni Sen. Loren Legarda ang lahat ng local government unit na magsimulang magpatupad ng plastic ban sa kani-kanilang tanggapan bilang pagsisimula ng kampanya sa pangangalaga sa kapaligiran.

Ayon kay Legarda, maaaring magsilbing halimbawa ang pambansang pamahalaan sa pagbabawal ng paggamit ng non-biodegradable plastic bags sa kani-kanilang tanggapan habang puwede nang magsimulang lumikha ng sariling batas at ordinansa ang LGUs sa kanilang nasasakupan.

“As servants of the Filipino people, we should set an example and show our citizens that this plastic bag ban can effectively be done in all our public schools, hospitals, and government offices so the whole country will easily follow suit. All we need is an effective model as precedent,” giit ng senador.

“Nanawagan din ako sa lahat ng local government units na pabilisin ang pagsasabatas ng sariling bersiyon nito sa total plastic ban. Kailangan matiyak na mahigpit na maipatupad ang bagong uri at pamamaraan sa pamumuhay sa lahat ng tahanan sa mga antas ng barangay at munisipyo,” giit pa ni Legarda.

Inihalimbawa ng senador ang City Government ng Muntinlupa na mahigpit na nagpapatupad ng total plastic bag ban sa kanilang lungsod habang mahigpit na ipinatutupad din sa munisipyo ng San Francis sa Camotes Island sa Cebu ang “no free plastic” program upang mapilitan ang mamamayan na gumamit ng reusable bags.

Kamakailan, inihain ni Legarda ang Senate Bill 2759 o ang Total Plastic Bag Ban Act, na may layunin na ipagbawal ang paggamit ng non-biodegradable plastic bags sa mga grocery, supermarket, public markets, restaurant, fast food chain, department store, retail store at katulad ng establisiyemento sa buong bansa. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply