Trader binaril ng riding in tandem sa Kyusi

PATAY ang isang trader makaraang barilin ng riding in tandem sa Quezon City kaninang umaga.

Kinilala ang namatay na si Amado Misa, 43, ng 116 Area 2-B, Barangay Old Balara, nasabing lungsod.

Sa ulat ni PO3 Ernesto Fabre Jr., may-hawak ng kaso ng Quezon City Police District (QCPD) Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), nangyari ang insidente sa karinderya ng biktima sa Luzon Avenue, alas 5:40 ng umaga.

Nabatid na kasalukyang naghahanda ng pagkain ang biktima para sa kanyang mga kustomer, nang pumarada ang isang  motorsiklo sakay ang mga suspek.

Agad na lumapit ang  suspek sa biktima sabay pinaputukan bago tumakas.

Inaalam na ng pulisya kung ano ang motibo sa krimen. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply