Training sa summer

TAKE advantage talaga dapat ang ahensya ng pamahalaan sa turismo tuwing tag-araw. Malakas ang kita ng mga bakasyunan na mga lugar, lalo yung may mga water-sports facilities.

Sikat ang mga ito kapag tag-init.  Samantalahin dapat ng Department of Tourism na hindi lang kumita ng pera para sa bayan sa paghihikayat ng mga turista sa magagandang lugar sa bansa kundi muling ilutang ang magagandang bagay tungkol sa Pilipinas at sa Pilipino.  Tuwing summer, nasisikatan ng araw ang kayamanan ng Pinoy – ang mga magagandang tanawin, masasarap na pagkain, murang bakasyon, at kaaya-ayang mga kaugaliang Pilipino.

Ang magandang imahe ng Pinoy ang patok tuwing tag-araw. Sa ating kabataan, marami ding hatid na magandang balita at mga pagkakataon ang tag-araw – mga sports activities, summer jobs at, syempre, bakasyon grande na bonding ng pamilya. Ang hiling ko lang sa lahat.

Samantalahin na ma-highlight kung ano ang maganda sa atin ngayong tag-araw. Huwag sayangin ang bakasyon, gumawa ng mga kaaya-ayang bagay na maipagmamalaki habang buhay. Sa amin sa Himig Ariel, sasamantalahin namin ang summer. Namigay kami ng mga scholarship certificates noong graduation sa mga public schools ng lungsod.

Ang mga scholarship certificates na ito ay para sa libreng voice, dance, and acting lessons para sa mga kabataan ng QC. Namahagi kami ng mga certificates para ang kabataan ng Quezon City ay magkaroon ng kapaki-pakinabang na tag-araw.  Ang mga batang may talento sa pagkanta, pag-sayaw at pag-arte ay hahasain sa isang tutok na training. Bibigyan sila ng pagkakataon ngayong summer para imbes na magliwaliw lang ay mapabuti pa ang kanilang mga talento, nang sa gayon ay magkaroon sila ng pagkakataon na maiahon ang mga sarili, mapaganda ang buhay at kinabukasan, sa pamamagitan ng mga talentong ito na kaloob sa kanila ng Diyos. Ang hangad ko ay isang kaaya-ayang bakasyon ngayong tag-araw sa ating lahat.

Mag text po kayo sa akin sa 09209280847 kung may mga tanong kayo tungkol sa Himig Ariel o email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong salobin at opinyon sa isyung ito. Atty. Ariel Enrile-Inton

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply