Trak nahulog sa bangin, 9 patay, 26 sugatan

SIYAM ang patay habang 26 ang sugatan nang mahulog ang kanilang sinasakyang 10-wheeler truck sa bayan ng Opol, Misamis Oriental, Biyernes ng umaga, Abril 29.

Tatlo pa lamang sa namatay na mga biktima ang may pagkakakilanlan at ito ay sina Ernie Buna, Bobong Quitos, at ang drayber ng bus na nakilala lamang sa pangalang Loloy, pawang trabahador sa isang palm oil plantation sa Barangay Tingalan.

Ang mga nasugatan naman ay isinugod sa iba’t ibang ospital para bigyan ng lunas ang kanilang tinamong kapansanan sa ulo at katawan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 6:30 ng umaga sa isang bisinidad sa Barangay Opol, Misamis Oriental.

Sinabi ni Jeffrey Magpulong, isa sa mga nasugatan,  na bago ang insidente ay lulan sila sa nasabing trak na matulin ang takbo at pagsapit sa nasabing lugar ay biglang nahulog na lamang sa bangin ang unahang gulong nito.

Hindi na nakayanan pa ng driver na kontrolin ang manibela ng trak na naging dahilan ng pagkahulog nito sa bangin na may lalim na mahigit 40-metro.

Karamihan sa mga namatay ay nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at nabali ang mga buto sa kanilang katawan. 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply