Trak vs tricycle: 1 patay

NASAWI ang isang lalaki habang sugatan naman ang asawa nito makaraang araruhin ang mga ito lulan ng traysikel ng isang trailer truck sa Urdaneta, Pangasinan.

Dead on arrival si Ronilo Mico, 45, habang sugatan ang asawa nitong si Thelma Mico, kapwa residente ng Brgy. Bacag, Urdaneta City.

Ayon sa ulat, binabagtas ng mag-asawa ang kahabaan ng Brgy. Nancayasan, habang bumubuntot naman sa kanila ang trailer truck na minamaneho ni John Curpeta, residente ng Navotas City sa Metro Manila.

Huminto na lang umano ang traysikel at sumandaling gumilid para paunahin ang truck subalit inararo pa ito ng nasabing truck.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply