Travel papers ni Lacson peke — DFA

POSIBLENG peke ang mga ginamit na travel document ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), iniulat Lunes, Abril 4.

Ayon sa memorandum ni Foreign Affairs Undersecretary Rafael Seguis na ipinadala kay Justice secretary Leila de Lima, nasa kanila pa ang orihinal na kopya ng mga travel paper ng senador.

Nilinaw pa ni Seguis na anuman ang ginamit ng senador na may katulad na serial number na 34258 ay peke at hindi galing sa kanilang ahensya.

Nabatid umano na hindi nag-isyu ng travel documents ng senador ang mga consulate general sa Hong Kong, Macau, Xiamen at Guangzhou.

Matatandaang lumantad ang nagtatagong senador matapos ibasura ng Court of Appeals (CA) ang kasong Dacer-Corbito double murder na kanyang kinasasangkutan. Bineza Zapanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply