Traysikel ekonomi at palpak na trapik sayns

SA KABUUAN, naging maganda ang biyahe ng nakararami nitong nakalipas na Semana Santa.

Walang gaanong nabalitaang nahulog sa bangin na mga bus at iba pang sasakyan.

Wala ring nabalitaang inihulog sa bangin ng mga nagigibang bundok kahit na sunod-sunod ang mga lindol na tumatama sa atin.

Naging ligtas sa kapahamakan ang mga bumiyahe sa mataas na Baguio City sa tatlong daanan gaya ng Naguilian Road, Marcos Highway at Kennon Road.

Nakaraos talaga ang marami.

Nalulungkot nga lang tayo sa sinasapit na lanislayd dahil sa ulan ng mga taga-Mindanao, lalo na ang mga minero sa Compostela Valley.

Habang tinitipa natin ito, may lima nang nahuhukay na patay sa Compostela Valley habang 30 pa ang nawawala.

Kondolens po sa inyo.

oOo

Meron lang tayong napansin sa mga haywey sa mga lalawigan ng Tarlac at Pangasinan.

Ayaw tumabi ang mga nagtatraysikel na ikinababagal nang todo ng mga mas mabilis na sasakyan.

Napipilitan tuloy na dumaan sa mga gilid-gilid ang mga sasakyan hanggang sa punuin na lang ng alikabok ang mga lansangan.

Napakarami rin ang mga nakalilitong trapik sayn.

Akalain mong itinatatak sa mga trapik sayn ang ngalan ng mga lalawigan o importanteng bayan o lungsod na iyong pupuntahan pero dalawa ang direksyon o pana.

May istreyt at may pakanan o pakaliwa.

Mapipilitan ka tuloy na huminto o magtanong sa mga tao sa paligid.

Sa mga inaabot ng gabi sa lansangan, kung saan-saan sila naliligaw dahil walang mapagtatanungan.

Naalaala tuloy natin kung bakit hindi tayo umuunlad.

Isang malaking dahilan ng pagkapurdoy natin ang traysikel ekonomi at nakaliligaw ng landas na trapik sayn ng DPWH. Rey Briones

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply