Treatment camp itinayo sa Palawan para sa diarrhea outbreak

NAGTAYO ng treatment camp sa Palawan ang Department of Health (DOH) para sa diarrhea outbreak, kung saan umabot na sa 30 ang mga namatay mula sa mga liblib na lugar sa nasabing probinsya, iniulat Miyerkules, Abril 6.

“Ang departamento ay naglagay na ng treatment camp para sa mga apektadong lugar upang magbigay tulong sa mga nabiktima ng diarrhea,” ayon kay Dr. Eric Tayag, head ng National Epidemiology Center.

Inihayg din ni Tayag na ang tubig sa lugar ang naging sanhi ng diarrhea. Ito ay naging kontaminado umano dahil sa pag-uulan sa nasabing probinsya.

Dahil dito, inabisuhan ni Tayag ang mga residente sa mga apektadong lugar sa Barangay Culandanum sa Bataraza, Southern Palawan na pakuluang mabuti ang kanilang iniinom na tubig.

Nauna rito, iniutos ng ahensya ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa naganap na diarrhea outbreak.

Nabatid na ang grupo ay binubuo ng DOH-Southern Luzon at ng lokal na pamahalaan.

Ang outbreak ay napaulat na tumaas sa lugar ng Sitio Apad-Apad, Barangay Culandanum Bataraza, Southern Palawan. Rene Crisostomo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply