Tren sa Belarus sumabog, 11 patay

LABING-ISANG ang nasawi habang daan-daan ang nasugatan matapos pasabugin ang isang tren na puno ng pasahero sa lungsod ng Minsk sa bansang Belarus.

“These are perhaps links in a single chain. We must find out who gained by undermining peace and stability in the country, who stands behind this. I do not rule out that this blast was a gift from abroad,” ayon kay Belarus President Alexander Lukashenko.

Nabatid na bumagsak ang kisame ng train station dahil sa lakas ng pagsabog. Karamihan sa mga sugatan ay ginagamot mismo sa pinangyarihan ng mga medical teams dahil sa matinding natamong sugat habang ang iba ay inihatid ng ambulansya sa hospital.

Ayon sa isang police officer, naka-heightened alert na ang lungsod kung saan ikinordon na nila ang train station upang masusing maimbestigahan. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply