Tricycle driver kritikal sa bayaw

NASA kritikal na nondisyon ang isang tricycle driver nang pagsasaksakin ito ng kanyang bayaw makaraang sitahin ng huli ang madalas na pag-inom ng alak ng una sa Malabon City, Martes ng madaling araw, Abril 26, 2011

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Danilo Pabiano, 56 ng Sitio 6, Catmon ng nabanggit na lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Benjamin Cusay, nasa hustong gulang, bayaw ng biktima, residente rin ng nasabing rin lugar.

Sa ulat, dakong alas-kwatro ng madaling araw, umuwing lasing ang biktima ay sinita ito ng suspek.

Nagkasagutan ang magbayaw hanggang sa kumuha ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa JRMMC. Rene Manahan

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply