Tropang Texters fully charged vs Gin Kings

DOBLE problema ang inabot ng Ginebra Gin Kings na lumupaypay sa no. 1 elimination team na Tropang Texters sa pagbubukas ng best-of-7 finals ng PBA Commissioners’ Cup sa Big Dome na kung saan tinambakan sila sa iskor na 102-83 ng tropa ni coach Chot Reyes.

Kapwa napatawan ng technical foul sina Gins Headcoach Joseph Uichico at top scorer Mark Caguioa sa 3rd quarter na sinamantala ng Tropang Texters na mailayo ng kalamangan. Nakaungos pa ang Gin King sa iskor na 47-46 sa pagsasara ng 2nd quarter sa huling tirade ni Caguioa.

Sa pagpasok ng 3rd canto ay unti-unting lumayo ang Tropang Texters at tuluyang umalagwa ng 25 puntos sa mga triples nina Ryan Reyes at Jason Castro. Si Paul Haris ang tinanghal na top scorer sa 28 puntos na naibuslo niya bukod sa 15 boards, habang si Reyes ang naging best player of the game sa ibinanat na 19 samantalang umambag ng 15 puntos si Castro, na humalili kay Jimmy Alapag na bumagsak ang iskoring sa pinakamababang tatlong puntos.

Lilipat ang 2nd game sa Cuneta Astrodome, dakong 7:00 ng gabi sa Miyerkules, na inaasahang magpapasabog sa istadyum sa pagdagsa ng PBA fanatics na susubaybay sa maatikabong bakbakan ng Gin Kings at ng Tropang Texters.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply