Tubig sa Manila bay nakalalason

KAUGNAY ng pagsisimula ng tag-init, pinaaalalahanan at ipinagbawal ni Manila Mayor Alfredo Lim sa publiko ang pagligo sa Manila Bay dahil na rin sa maruming tubig nito na umano ay nakalalason.

Ayon kay Lim, karamihan sa commercial at business  establishments ay nagtatapon ng kanilang mga basura sa Manila Bay na nagiging sanhi ng kontaminasyon, bukod pa sa mga itinapong basura ng mga naninirahan sa gilid ng dagat.

Nangangamba si Lim na posibleng magkaroon ng iba’t ibang sakit ang sinumang maliligo sa bay at makakainom ng tubig mula sa dagat.

Nabatid kay Lim na inatasan na niya ang Manila Police District na bantayan ang lugar at paigtingin ang kanilang pagbabawal sa pagligo at pagtatampisaw sa Manila Bay. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply