Tulak na pulis timbog sa drug-bust

ISANG pulis ang nadakip sa ginawang drug-bust ng mga tauhan Taguig City Police-Anti Illegal Drugs Station Operation Task Force Biyernes ng hapon, Abril 1.

Kinilala ni Chief Inspector Jenny Tecson, hepe ng Public Information Office (PIO) ng Souther Police District, ang suspek na si SPO4 Rustico Sacramento.

Sa nakalap na impormasyon nagsagawa ng isang linggong monitoring ang mga tauhan ng AIDSOTF matapos makatanggap ng intelligence report at nang makumpirama ito ay isang buy-bust operation ang isinagawa ng mga awtoridad dakong alas-4:30 ng hapon sa Manggahan st., Barangay Western Bicutan, Taguig City.

Isang police asset ang nagsilbing bibili ng droga at nang naging positibo ang operasyon ng AIDSOTF, nadakip ng mga awtoridad ang kabaro nilang pulis.

Nakuha mula sa pag-iingat ni SP04 Sacramento ang 14 plastic sachet ng shabu at ang marked money na ginamit ng mga pulis at nakuwelyuhan ang tulak na pulis.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ng Taguig City Police si Sacramento at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 6425 o Dangerous Drugs Act. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply