Tulong ng US sa RH Bill ‘di kailangan ng RP

HINDI kailangan ng Pilipinas ang tulong ng Estados Unidos para maiayos ang kalagayan ng kababaihan, ito ang pahayag Lunes, Abril4, ng isang lady solon.

Ayon kay Gabriela Women’s Party Rep. Luz Ilagan, hindi family planning bill ang RH Bill dahil higit pa sa family planning, contraception at population control ang tinatalakay nito.

Aniya, kahit pa suportado ng US/USAID ang pagpapasa ng RH Bill sa Kamara, hindi ito kailangan ng mga kababaihang Filipino.

Mas kailangan umano nila ang pang-unawa ng kapwa nila Filipino.

Sinuportahan ng US Agency for International Development (USAID) ang pagbibigay sa mga mag-asawang Filipino ng mga pagpipilian sa mga pamamaraan sa family planning.

Ani Ilagan, dapat lang na bigyan ng pagpipilian ang mga mag-asawa sa pagpaplano ng pamilya upang maisaalang-alang nila ang kanilangt kapasidad sa pagpapalaki sa kanilang mga anak.

Nakasaad umano ito sa napakaraming probisyon ng RH Bill bukod pa sa access sa health services.

Ani Gabriela solon, wala silang balak na magkaroon ng population control agenda dahil sa tingin nila ay hindi hadlang ang paglaki ng populasyon sa pag-usad.

Hindi rin umano ito ang dahilan ng lumalalang kahirapan sa bansa.

Ipinaliwanag pa ni Ilagan na ang kailangang kilalanin ng gobyerno ang Reproductive Health Bill at itaas ang karapatan ng kababaihan sa pangangalagang pangkalusugan.

Aniya, kailangang masiguro ng gobyerno na ang mga babae at bata ay lalaking malulusog upang maging malusog din ang mga susunod na henerasyon. Nenet L. Villafania

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply