Tulong sa pamilya ng 3 binitay sa China, insulto sa OFWs – Sotto

BINALAAN ng isang senador ang administrasyon laban sa pagtulong ng mga naulila ng tatlong Filipino na binitay sa China dahil malaking insulto ito sa mga lehitimong overseas Filipino workers (OFWs).

Binigyang-diin ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto, III na kung binabalak ng gobyerno na bigyan ng tulong pinansyal at pag-aralin ang mga anak ni Ramon Credo, Sally Ordinario-Villanueva at Elizabeth Batain, dapat ay pag-isipan nila ito nang mabuti dahil tiyak na marami ang magagalit sa kanila.

“Anong mensahe ang ibibigay nila sa taumbayan, yung tulungan ang drug trafficker? Mag-isip isip naman sila,”giit ni Sotto.

Matatandaan na isa sa bilin ni Sally bago siya binitay sa China ay sana ay magpatuloy ng pag-aaral ang kanyang anak upang sa gayon ay magkaroon ito ng maayos na hanapbuhay paglaki at hindi matulad sa kanya.

Ilan sa nakitang tumulong sa pamilya Ordinario sa Batasan, Quezon City ay ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan isinailalim nila sa stress debriefing  ang apat na miyembro ng pamilya na tumungo sa China bago at pagkatapos binitay si Sally.

“Eh marami ding pamilya ng OFWs ang nagkaka-problema, bakit hindi iyon ang puntahan ng DSWD?”katuwiran ni Sotto.

Binigyang-diin ni Sotto na hindi dapat tinatawag na OFW ang tatlong binitay sa China dahil hindi naman sila tumungo roon para magtrabaho ng legal kundi para magdala ng ipinagbabawal na droga.

Nanindigan na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na hindi nila mabibigyan ng financial assistance ang pamilya ng tatlong Filipino na binitay sa China dahil sa hindi naman sila documented na manggagawa. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply