Turuan ng waste segregation ang mga bata –Paje

NANAWAGAN ngayong Miyerkules, Abril 27, ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga magulang na turuan ang kanilang mga anak na tamang waste segregation o maayos na paghihiwalay-hiwalay ng basura.

Ayon kay Environment Secretary Ramon J.P. Paje, panahon na upang maturuan ng mga magulang ang kanilang mga anak na mga pamamaraan sa pangangalaga sa kalikasan gaya ng waste segregation.

Ang waste segregation ay ang paghihiwa-hiwalay ng mga basurang nabubulok at di nabubulok.

Sinabi rin ng kalihim, makabubuti ring turuan ang mga bata na i-recycle ang ibang basura na maaari pang mapakinabangan upang mabawasan ang kinukulektang basura araw-araw.

Kaugnay nito, una nang ipinahayag ni Paje na may kampanya ang DENR laban sa garbage problem sa Metro Manila.

Aniya, sila ay nagpapakakalat ng impormasyon at edukasyon upang masugpo ang problema sa basura, kabilang na ang pamamahagi ng campaign materials na madaling maunawaan sa lahat ng barangay sa Metro Manila

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply