Ultimatum kay Pres. Gbagbo ibinabala ng U.N.

BINIGYAN ng huling pagkakataon na bumaba sa puwesto si Pres. Laurent Gbagbo ng United Nations.

Ang pahayag ay ginawa mismo ni U.N. Secretary General Ban Ki-moon para umano sa ikakatahimik ng mamamayan ng Ivory Coast at muling pagbangon nito.

“President Gbagbo needs to step aside. He has to cede power. This is his last chance. He has to mind the safety and prosperity of his people.”, ayon kay Ban Ki-moon.

Samantala hiningi naman ang suporta ng mga mamamayan ng bansa ni Alassane Ouattara ang kinikilalang lider ng bansa ng international community, na tigilan na ang karahasan at tumulong na lang para maisaayos ang bansa para makabangon ng mabilis. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply