Umiwas sa luho ngayong panahon ng krisis – Obispo

PINAYUHAN ng isang obispong Katoliko ang taumbayan na magtipid muna at iwasan ang maging maluho ngayong dumaranas ng krisis ang bansa.

Ayon kay Boac, Marinduque Bishop Rey Evangelista, mabisang paraan ang pagtitipid upang makaagapay ang mga mamamayan sa mahirap na buhay sa Pilipinas, lalo na’t patuloy na pagtaas ng pasahe at presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Payo pa ng Obispo, bago gumastos ay makabubuting alamin muna ng mga mamamayan ang mga pangunahing pangangailangan na siyang dapat paglaanan ng salapi lalo na’t walang inaasahang umento sa sahod ang mga ito.

“Dapat magtipid. Dapat may priorities na pagtuunan ng pansin, lalo na sa pamilya at pagkain. Ika nga’y maghigpit ng sinturon, ‘yun ang kailangan para magkasya,” ayon kay Evangelista.

Sa kabila nito, naniniwala si Evangelista na ang pagtaas ng presyo ng krudo at mga bilihin ay pansamantala lamang dahil na rin sa krisis pulitika na dinaranas sa Gitnang Silangan at resulta ng kalamidad sa Japan. Kyle Gatus

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply