Umulan ng tres sa panalo ng Road Warriors

NAGPA-ULAN ng three points ang NLEX Road Warriors sa pangunguna ng 6’3-forward ng dating San Sabastian College Stags na si Ronald Pascual para pagulungin ang RnW Pacific Pipes, 87-72 sa PBA D-League Foundation Cup kahapon, Marso 31 sa San Juan gym.

Sunud-sunod na three points ang pinakawalan ng Road Warriors sa pangunguna ni Pascual sa first half na naghatid sa NLEX sa 53-36 na abante sa pagtatapos ng quarter.

Labis ang kasiyahan ni coach Boyet Fernandez sa ipinakitang team work ng kanyang mga players para makabawi sa unang pagkatalo sa nangungunang Pharex.

Inilaglag naman ng Cebuana Lhuillier Gems ang unang kabiguan ng FCA Cultivators sa group B, 80-58 para makapantay sa 2-0 slate ng Cobra Energy Drinks.

Sina Allaine Maliksi at Benedict Fernandez na kumana ng 20 at 11 puntos ang nagpahirap sa Cultivators sa makinanag na ayuda ng iba pang player ng Cebu dribllers na ginabayan ni coach Luigi Trillo.

Maglalaro sa Martes, Abril 5 sa Lyceum gym ang Cafe France kontra Maynilad habang susungkitin ng Pharex ang kanilang ikalawang panalo laban sa PC Gilmore. Radito Torres

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply