UN sa Pinas: 100M populasyon lolobo pa pag walang RH policy

KUNG itinuturing ng Pilipinas ang United Nations bilang kaakibat sa pagbabago at pag-unlad ay dapat umanong pakinggan ng administrasyong Aquino ang pagpaplano ng pamilya.

Pinayuhan ng Philippine Legislators Committee on Population and Development (PLCPD) ang administrasyong Aquino na pakinggan ang babala ng United Nations na lalong bibilis ang paglobo ng populasyon ng Pilipinas kung walang maipatutupad na Reproductive Health policy sa lalong madaling panahon.

Sinabi ni Ramon San Pascual, Executive Director ng PLCPD sa Remate Online, “if it truly consider UN as part of its development partner, the government should heed the UN advice that we adopt immediately a national policy on RH.”

Naunang nagbabala si Brian Bowler, delegasyon ng UN sa bansa na kung walang RH policy ang Pilipinas ay mas magiging mabilis ang paglobo ng populasyon na umaabot na sa halos 100 milyon.

Tinukoy ni Bowler na 11 ina ang namamatay araw-araw sa Pilipinas dahil sa panganganak na maiiwasan kung may malinaw na RH policy.

Sinabi pa ni Bowler na ang Pilipinas ay isa sa mabilis na lumago ang populasyon sa buong Asya.

Subalit sa isang bansa aniya na katulad ng Pilipinas na mayorya ay Katolika ay natatagalan ang implementasyon ng Reproductive Health and Respo0nsible Parenthood.

Iginiit naman ni Elizabeth Angsioco, Democratic Socialist Women of the Philippines (DSWP) National Chairperson, na hindi lamang ang Katolika ang relihiyon sa Pilipinas.

Binatikos din ni Angsioco ang  muling pagyuko ni Pangulong Aquino sa simbahan kaugnay sa pagpayag na muling magkaroon ng ikalawang yugto ng dayalogo sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP). Meliza Maluntag

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply