OFWs mula sa Fukushima darating ngayong araw

INAASAHANG darating ngayong araw, Abril 17 ang unang batch ng mga inilikas ng overseas Filipino worker mula sa Fukushima, Japan.

Inilikas ang nasabing mga Pinoy matapos na ilagay sa pinakamataas na level (level 7) ang nuclear krisis sa Fukushima Daiichi nuclear power plant.

Ayon kay Ed Malaya, spokesperson ng Department of Foreign Affairs (DFA), kabilang sa mga darating na kababayan si Ambassador Manuel Lopez.

Base sa talaan ng DFA, may 2,000 Pinoy maliban pa sa mga bata ang naninirahan sa loob ng 100 km radius mula sa nasirang planta nukleyar.

Samantala, umabot umano sa 200,000 dollars ang ginastos ng pamahalaan para ilikas ang mga nasabing OFW. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply