UP campus tangkang pasabugin ng granada

DINAMPOT ng pulisya ang isang lalaking tangkang pasabugin ang isang bahagi ng UP Campus makaraang hindi sumabog ang inihagis na granada sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Roel Caburnay, ng Sampaloc St., Barangay UP Campus, malapit sa Carlos P. Garcia Avenue.

Nakaditine na sa Quezon City Police District Anonas police station ang suspek na sasampahan ng kaukulang kaso.

Ayon kay Senior Inspector Arnolfo Franco, naganap ang insidente alas-4 kahapon sa isang bakanteng lote sa kanilang komunidad.

Bago ito, sa hindi malamang dahilan ay biglang initsa ng suspek ang isang model 26 fragmentation hand grenade na sa kabutihang palad ay hindi pumutok. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply