UST student dinukot, 9 araw ikinulong

NASAGIP ng Manila Police District (MPD) ang 12-anyos estudyante ng isang kilalang unibersidad sa Maynila sa kamay ng isang miyembro ng Batang City jail matapos dukutin at ikulong ng siyam na araw sa Sampaloc, Maynila.

Nakakulong na sa HMPD-Station 3 ang suspek na si Robert Cachero, alyas “Mario/Robert at Maricel,” 28, ng 115 Torres Bugalion st., Sampaloc, Manila dahil sa reklamo ni Angel Ramos, 37, Government employee, ama ng biktima na itinago sa pangalang John, 3rd year high school student ng University of Sto. Tomas (UST).

Sa report ni Supt James Afalla, Hepe ng MPD-Station 3, dakong 7:00 ng gabi nitong Lunes nang naaresto ang suspek sa kanto ng Dimasalang at Aurora Boulevard, Sampaloc, Maynila.

Nabatid na lumabas si John sa kanilang bahay noong Abril 14 upang maglaro ng computer games malapit sa bisinidad ng UST nang dukutin ng suspek at ikulong ng siyam na araw sa kanyang bahay sa Bambang st., Sta Cruz, Manila.

Nadakip ang suspek nang magsagawa ng follow up at surveillance ang mga tauhan ng MPD police na nagresulta sa pagkakaaresto ni Cachero.

Inaalam na ng pulisya kung ano ang motibo ng suspek sa pagdukot sa biktima.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply