Utol kinabayo; lolo binoga ng pamangkin

BUTAS ang dibdib ng isang lolo nang barilin ng kanyang sariling pamangkin matapos maaktuhang kinakabayo ang kanyang dalagang kapatid sa Iloilo City, iniulat ng pulisya.

Hubo’t hubad nang dalhin sa West Visayas State University Medical Center (WVSUMC) sanhi ng tinamong isang tama ng bala ng kalibre 45 sa kanang bahagi ng dibdib ang suspek na si Edgardo Solocio, alyas Toto, 60, ng Gustilo, La Paz, Iloilo.

Nasa state of shock at kasalukuyang isinasailalim naman sa counseling ang biktimang itinago sa pangalang Nene Gabuna, 21.

Sumuko naman agad sa pulisya ang suspek na kinilalang si Jeffrey Gabuna, 25, inamin na siya ang bumaril sa kanyang lolo.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 10:30 ng gabi kahapon sa loob ng kuwarto mismo ng dalaga.

Bago ito, nabatid na pinuntahan ng napatay ang bahay ng pamangkin na babae nang malamang wala itong kasama sa bahay at agad tinutukan ng patalim ang biktima.

Pero habang nakapatong sa biktima ay dumating naman si Jeffrey sa kanilang bahay at nasaksihan ang insidente kaya sa galit ay kumuha ng baril at agad pinaputukan ang lolo.  Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply