Utol ni coach Jarencio dakip sa marijuana

KULONG ang kapatid ng dating PBA player matapos mahulihan ng marijuana sa isang buy bust operation na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cordillera Administrative Region nitong nakalipas na Abril 7, 2011.

Kinilala ang nadakip na si Edward Mendoza Jarencio, 43, chef at kapatid ni Alfredo “Pido” Jarencio dating player ng Philippine Basketball Association (PBA) at ngayon ay head coach ng UST Growling Tigers.

Si Jarencio ay nadakip ng operatiba ng PDEA matapos umanong bentahan ng 80.50 gramo ng marijuana leaves ang isang poseur buyer malapit sa kanyang boarding house sa loob ng isang Lourdes Subdivision sa Baguio City.

Makaraang madakip at kapkapan nakuha pa sa pag-iingat ng suspek ang 18.20 gramo ng marijuana at isang roll aluminum foil.

Nakapiit ang suspek sa tanggapan ng PDEA–CAR, nahaharap sa kasong paglabag sa illegal drugs. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply