Utol ng ex-mayor, 3 pa timbog sa P.5M halaga ng shabu

APAT katao kabilang ang kapatid ng isang dating meyor ang inaresto ng mga tauhan ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Region 9 matapos mahulihan ng may 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng kalahating milyong piso (P500,000) sa isinagawang buy bust operation laban sa mga ito sa Zamboanga City, iniulat Biyernes, Abril 8.

Sa isinumiteng ulat kay PDEA Director General/ Undersecretary Jose  S. Gutierrez Jr. naglunsad ng operasyon ang mga tauhan ni RD Adzhar A. Albani ng  PDEA Regional Office 9, sa harapan ng Gallo Eatery, sa kahabaan ng National Highway, Poblacion, Ipil Proper, Zamboanga Sibugay.

Nadakip sa naturang operasyon ang mga suspek na kinilalang sina Tong Afdal Abdulkarim alyas “To/Tong Abdulkarim y Nandang” (Target-listed), 43 anyos; Udzag Afdal Lamalam, 44 anyos; asawa ni Tong na si Fatima Adam Abdulkarim, 45 anyos at  Ismael Akang Ali alyas “Mike”, 40 anyos pawang residente ng Labangan, Zamboanga del Sur at mga miyembro umano ng kilabot na Nandang-Afdal Drug Group na ang sentro ng operasyon ay sa Zamboanga Peninsula.

Napag-alaman na ang mag-asawa ay nakikipag-transaksiyon kasama ang kanilang tatlong mga anak ng sila ay mahulihan ng 100  gramo ng shabu na may street value na P520,000, isang black Toyota Hi-Lux  (KDK-390) na ginagamit sa delivery vehicle ng grupo.

Sa interogasyon, inamin ni Tong na kapatid niya si ex-Labangan Mayor Abubakar Afdal  y Abdukarim at tiyuhin ng kasalukuyang  meyor ng naturang bayan  na si Mayor Wilson Nandang sa Labangan, Zamboanga del Sur i.

Dahil dito, inihahanda na ng PDEA ang pagsasampa sa mga ito ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), in relation to Section 26, Article II, RA 9165, kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Alex Ching

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply