Utol ni Pido, huli sa droga

NADAKIP ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera (PDEA-CAR) ang kapatid ng isang dating sikat na PBA player dahil sa pagdadala nito ng iligal na droga sa lungsod ng Baguio sa ulat ng pulisya Sabado, Abril 9, matapos ang isang buy-bust operation.

Ayon report na ipinarating Camp Crame ay inaresto ng mga awtoridad ang kapatid ng sikat na basketbolistang  si Pido Jarencio dahil sa pag iingat nito ng pinagbabawal na gamot.

Sinasabing nahuli ang suspek na kinilalang si Edward Mendoza Jarencio, 44, residente ng Lourdes Subdivision sa siyudad ng Baguio sa pamamagitan umano ng isang buy bust operation na isinagawa ng PDEA.

Narekober kay Jarencio ang 98.7 gramo ng dried marijuana leaves at isang P1,000 bill na ginamit umanong  buy-bust money.

Sasampahan ng kaso si Jarencio dahil sa paglabag nito sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Isang kilalang basketball player ang kapatid ng suspek na si Pido at kasalukuyang coach ng UST Tigers. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply