VAT sa langis pinatatapyasan ni Recto

BUKOD sa pagbibigay ng subsidyo sa mamamayan, dapat din umanong bawasan ng gobyerno ang sinisingil na value added tax at alisin ang excise tax sa gasolina upang maibsan ang paghihirap ng mamamayan.

Ito ang iminungkahi ni Sen. Ralph Recto, chairman ng Senate committee on ways and means matapos iginiit na patuloy na nananamantala ang tatlong dambuhalang kompanya ng langis sa sigalot sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika.

Ayon kay Recto, dapat nang bawasan ng gobyerno ang sinisingil na VAT at excise tax sa produktong petrolyo habang tinutugunan ang pang-maikli, pangkasalukuyan at pangmatagalang panukala upang tugunan ang naturang isyu.

“I’ m open to reducing the VAT and also open to scrapping the excise tax on gasoline (about P4 per liter),” giit ni Recto.

Sinabi pa ni Recto na dapat rebyuhin muli ng Kongreso ang Oil Deregulation Law upang matiyak na nakikipag-kumpetensya ang mga kompanya ng langis, sa halip na sinasamantala ang sigalot sa oil exporting and producing countries (OPEC).

“Review oil deregulation law, regulate with a time frame (time bound) until enough players actually compete with each other,” ayon kay Recto.

“I still believe na nanamantala ang oil companies,” giit pa niya. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply