Vendor kritikal sa pamamaril

ISANG vendor ang nasa  kritikal na kalagayan matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang lalaki na sakay sa motorsiklo habang ang una ay naglalakad pauwi ng bahay Lunes ng hapon, Abril 25, sa Caloocan City.

Ang biktima na nakaratay at ginagamot  sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’ t ibang parte ng katawan ay nakilalang si Salvador Torcelino 18, binata at residente ng Anahaw St., Barangay 179, Amparo Sudivision ng nasabing lungsod.

Sa isinagawang imbestigasyon ni P03 Joseph Delgado, ng Station Investigation Division ng Caloocan police, naganap ang pamamril dakong 5:30 ng gabi, kasalukuyang naglalakad ang biktima sa Anahaw St. nang harangin ito ng salarin na sakay sa motorsiklong hindi nakuha ang plaka.

Walang salitang pinagbabaril ng salarin ang nabiglang biktima at pagkatapos ay mabilis na pinaharurot ng una ang kanyang motorsiklo upang tumakas.

Dali-dali namang dinala ng ilang nakasaksi ang biktima sa naturang pagamutan habang patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa nasabing pamamaril. Roger Panizal

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply