Vendor na namahinga sa Luneta di na nagising

NATAGPUANG patay na, Lunes ng umaga, ang isang 50-anyos na vendor na umano’y magpapalipas lamang ng oras sa Chinese Garden sa Rizal Park sa Ermita, Maynila.

Nakilala ang namatay na si Jose Pornasdoro ng Bagong Silang, Caloocan City.

Sa ulat ni SPO3 Benito Cabatbat, dakong ala-sais ng umaga nang makita ito sa loob ng nasabing parke na wala nang buhay.

Nabatid na dakong alas-kwatro ng madaling nang pumasok sa Chinese Garden si Pornasdoro upang mamahinga.

Inakala umano ni Danilo Flores, guwardiya ng Luneta, na natutulog lamang ang biktima kaya nilapitan niya ito upang gisingin, ngunit wala na pala itong buhay.

Dinala ang bangkay ni Pornasdoro sa St.Yvan Funeral Homes para sa awtopsiya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply