Vendor patay sa kapwa vendor

PATAY ang isang vendor matapos pasukin sa loob ng bahay at pagsasaksakin ng kapwa niya vendor habang ang una ay natuutlog sa Caloocan City.

Namatay habang ginagamot sa Caloocan City Medical Center sanhi ng mga saksak sa mukha si Jovencio Perlas, 44, ng M. Hizon St., nasabing lungsod.

Nakakulong naman si Nicomedes San Andres, 46 at kapitbahay ng biktima.

Sa ulat, dakong 5 ng hapon nitong Miyerkules, natutulog ang biktima sa loob ng kanilang bahay nang pasukin at pagsasaksakin ng suspek.

Matapos ang insidente ay dinala ang biktima sa CCMC habang nadakip naman ng mga pulis ang suspek.

Inaalam na kung ano ang motibo ng suspek sa krimen. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply