Verdict ng impeachment walang apela — Chiz

INIHAYAG ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na hindi puwedeng isampa sa Korte Suprema ang anumang magiging desisyon ng Impeachment Court sa paglilitis kay Ombudsman Merceditas Gutierrez tulad ng ibang kaso na nasa korte.

Ayon kay Escudero, pinal at executory ang anumang magiging desisyon ng Impeachment Court sa inihain na anim na Articles of Impeachment laban kay Gutierrez kaya’t walang nakasaad sa Saligang Batas na pwudeng isampa sa anumang forum ang magiging desisyon dito.

Nakatakdang simulan ang paglilitis kay Gutierrez sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso sa Mayo 9 at kapag nabuo ang Impeachment Court, at nakapanumpa ang mga senador bilang juror, saka pa lamang makapag-utos si Senate President Juan Ponce Enrile na ipalathala ang Rules of Procedures.

Kapag nailathala ang Rules of Procedures, maghihintay pa ang 15 araw bago magkaroon ng epekto na maghuhudyat naman upang ipadala kay Gutierrez ang kasong inihain laban sa kanya at maghihintay ang Impeachment Court ng limang araw para sa sagot ng Ombudsman.

Tiniyak pa ni Escudero na bibigyan ng due process ang akusado sa Impeachment Court na nakatakda sa Saligang Batas.

“Due process para sa prosecution, due process lalong lalo na para sa akusado or respondent dahil ito ang nag re-require ng sanlalawigang batas sa lahat ng proceedings na isinagawa sa atin, na judicial or quasi-judicial in nature,” aniya.

“Minsang botohan lang at tapos na. Walang pwedeng takbuhang forum or korte ang sinumang sa palagay niya ay agrabiyado sa desisyon ng Senado,” patapos niya. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply