Vintage bomb nakuha sa dagat

ISANG malaking vintage bomb ang aksidenteng nakuha sa ilalim ng dagat habang sumisisid ang ilang mga divers sa Port Area, Maynila, Abril 10.

Ayon kay PO2 Ceferino Papa, Jr. at PO2 Ernesto Rivera, Jr. ng Manila Police District Explosive Ordnance Division (MPD-EOD), dakong 2:30 Linggo ng hapon nang hindi sinasadyang madiskubre ng ilang mga maninisid ang 155mm na bomba sa ilalim ng dagat na sakop ng Coastline ng Baseco Compound sa nasabing lungsod.

Agad namang inireport sa Baseco PCP ng MPD-Station 5 ang insidente na siya namang nagparating sa headquarters upang maimbestigahan ng mga tauhan ng EOD.

Ayon kay PO2 Papa, may posibilidad pa umanong sumabog ang nasabing bomba bagamat ito ay maaring ginamit pa noong panahon ng World War II.

Sa ngayon ay nasa pag-iingat na ng EOD ang nasabing bomba. Jocelyn Tabangcura-Domenden/ Photo by: Crismon Heramis

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply