‘VIP treatment’ kay Ivler iimbestigahan sa Senado

NAIS ng isang miyembro ng Senado na imbestigahan ang special treatment na ipinagkaloob umano sa murder suspect na si Jason Ivler sa loob ng Quezon City Jail.

Ayon kay Sen. Gregorio Honasan, chairman ng senate committee on public order and illegal drugs, nakakaalarma ang nasabing report na ang isang preso ay nagagawang makipag-inuman sa kanyang mga kaibigan, na ang iba pa ay kababaihan, sa loob mismo ng selda.

Gayunman, gusto munang makatiyak ni Honasan na beripikado ang ulat ng special treatment kay Ivler bago niya pasimulan ang imbestigasyon sa kanyang komite.

“Siguruhin muna natin na solid ang ebidensiya bago natin simulan ang hearing,” paliwanag ng senador.

Iniimbestigahan na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang naglabasang litrato sa internet na nagpa-party sa loob mismo ng Quezon City Jail si Ivler

Bineberipika pa ng BJMP kung ang mga litrato at video na naka-post sa facebook account ni Ivler ay galing mismo sa loob ng kulungan o noong nasa laya pa ang murder suspect.

“Baka naman nadoktor ‘yung mga pictures, alam mo naman ang teknolohiya ngayon,”wika ni Honasan.

Pero mistulang inamin naman ng ina ni Ivler ang ginagawang pagpa-party ng kanyang anak sa loob ng selda dahil sa kultura na umano ito sa mga kulungan sa bansa.

“Kahit kultura na yan, mali pa rin yun,” diin ni Honasan.

Si Ivler ay suspek sa pagbaril at pagpatay kay Renato Ebarle Jr., anak ng isang dating Malacanang official, matapos ang away-kalsada sa Quezon City noong Nob. 18, 2009.  Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply