VIP treatment kay Jason Ivler bawal—Sec. Robredo

NAGBABALA si Department of Interior and Local Government Secretary Jessie Robredo na ipapasibak niya sa tungkulin ang sinumang may kinalaman sa pagbibigay umano ng VIP treatment kay Jason Ivler sa loob ng Quezon City Jail.

Pinagsabihan din ng kalihim ang hepe ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na si Rosendo Dial na maging bukas ito sa media para hindi mapaghinalaan na may milagrong nangyayari sa naturang bilangguan.

Nagkalat na ngayon sa internet ang mga litrato at video clips ni Ivler na tila napaparty. May mga larawan itong nag-iinuman at may mga kasamang babae. Ang lubhang nakakapagtaka pa ay nakakagamit pa ito ng internet upang maka-usap ang kanyang fans na umaabot na 92,000.

“Hari ng selda ang anak ko! Mga Sputnik, Bahala Na Gang, laging inaaya ang anak ko. Sikat na sikat siya doon. Pina-tattoo pa nila mukha ng anak ko sa katawan nila,” pagyayabang ni Marlene Aguilar-Pollar, ina ng bilanggo.

Matatandaang suspek si Ivler sa pagpapatay kay Renato Victor Ebarle, Jr. taong 2009.

Kasalukuyang may ginagawang imbestigasyon ang BJMP sa napabalitang insidente. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply