Visayas, Mindanao magiging maulan

MAGIGING maulan ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa kabila ng nasa summer season na ang Pilipinas.

Ang umiiral na wind convergence sa Visayas ang dahilan ng pagkakaroon ng kalat-kalat na pag-ulan sa hilagang bahagi ng Mindanao at sa buong Visayas.

Umiiral naman ang tail end of the cold front sa northern Luzon na siyang nagdudulot ng mga pag-ulan sa nasabing bahagi at maging sa southern Luzon.

Nagbabala naman ang Pagasa sa mga naninirahan sa mapanganib na lugar na mag-ingat at maghanda sa mga posibleng pagbaha at landslides. Alex Luiz

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply