Visayas, Mindanao nilindol

MAGKASUNOD na nilindol Lunes ng madaling araw, Abril 11 ang Visayas at Mindanao.

Nilindol ng magnitude 3.9 ang Ormoc City sa Leyte kaninang 1:35 ng madaling araw. Ang lindol na ay naitala sa layong 40 kilometro sa timog silangan ng nasabing lugar, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Niyanig naman ng 4.8 magnitude na lindol ang 67 kilometro sa hilagang silangan ng Surigao City kaninang alas-kwatro ng madaling araw.

Ang dalawang naitalang lindol ay pawang tectonic ang origin.

Wala namang naiulat na nasaktan o napinsala sa dalawang lindol. Alex Luiz

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply