‘Wag magpasikat sa impeachment trial’ – Sotto

NAGBABALA si Senate Majority leader, Vicente “Tito” Sotto III, sa mga kongresista o mga tatayong prosecutors sa nakatakdang impeachment trial sa darating ng buwan ng Mayo na iwasan ang pagpapasikat at grandstanding.

Ayon kay Sotto, hindi malayong abutin ng pasko ang impeachment trial kung magpapasiklaban ang mga prosecutors, bukod pa rito ang 100 o sangkaterbang testigo ang ihaharap laban kay Ombudsman Merciditas Gutierrez.

Mas magiging mabilis aniya ang paglilitis at magkakaroon agad ng desisyon ang Senado bilang isang impeachment court kung magiging siksik at malaman ang mga ebidensyang ihaharap ng mga kongresista o prosecutors, kahit kakaunti lamang ito.

Dagdag pa ng senador, sa pagkakataong ito ay hindi ang senado ang dapat sisihin kung aabutin ng matagal ang impeachment trial, dahil sa ito ay nakadepende sa performance ng mga kongresista na silang magpi-prisinta rin ng mga ebidensya.

Batay sa impeachment rules na pinagtibay ng Senado, tatapusin ang paglilitis sa bawat Articles of Impeachment bago magbotohan ang mga senator-judge ukol sa kapalaran ni Ombudsman Gutierrez. Vicky Cervales

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply