Wage hike ikakasa kontra oil price hike

HINDI na maitanggi ni Pres. Benigno Simeon Aquino III at ng mga ahensya ng gobyerno na kailangan ng mamamayan ang dagdag-sahod.

Ayon kay Anakpawis Executive Vice President Joel Maglunsod,  matagal nang dapat itinaas ang sahod pero walang nangyayari.

Hinamon pa ni Maglunsod si PNoy na i-certify as urgent ang House Bill 375, o P125 across-the-board nation-wide pagtaas ng sahod, upang makaagapay umano sa papataas na mga presyo ng bilihin at langis.

Aniya, malayo na ang agwat ng sahod sa cost of living ayon mismo sa mga estadistika ng gobyerno noon pa man.

Sa Metro Manila, ang P404 minimum wage ay wala sa kalahati ng higit P900 cost of living.

Hindi na dapat hintayin ang pagpalo sa 5% ang opisyal na inflation rate, dahil tagos-sikmura na ang nararamdaman ng mamamayan na hagupit ng taas ng mga presyo.

Aniya, kada litro ng diesel ay tumaas na ng higit P7 kada litro, ang average na presyo nito ngayon ay P47, o may 15 percent na pagtaas.

Ang minimum na pamasahe naman umano ay naging P8, na nangangahulugang 12.5% na ang pagtaas.

Kahit umano text message, nanganganib na ring magmahal dahil hawak na ng Smart at Sun.

Nagbabala rin ang Anakpawis na hindi dapat sa wage boards dalhin ang kaso ng dagdag-sahod, gaya ng balak ni PNoy.

Aniya, sa 22 taong kasaysayan ng wage boards, aabot lamang sa P10.75 umento sa sahod kada taon ang binibigay ng mga ito.

Aniya, dapat across-the board at nationwide ang dagdag-sahod para tiyaking mabenepisyuhan ang  kalakhan ng mamamayan.

Samantala, bilang pagpapakita ng araw-araw na kalbaryo ng mamamayan dahil sa taas ng presyo ng langis, naglakad kahapon ang mga miyembro ng anakpawis na may pabigat na tanikala sa paa.

Pinangunahan ni Maglunsod ang paglalakad na nakakadena ang pabigat na mukha ni PNoy at logo ng tatlong malalaking kumpanya ng langis. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply