Wage hike petition diringgin sa Mayo 2

IDARAOS na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa ika-2 ng Mayo ang kauna-unahang public hearing para sa wage hike sa Metro Manila ngayong taon.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, layunin ng nasabing public hearing na talakayin ang lahat ng isyu at debate ng mga magkakabilang panig upang makita kung pagbibigyan o hindi ang petisyon para sa pagtataas ng suweldo.

Sinabi ni Baldoz na maaari nang magpresinta ang mga grupo ng kanilang mga posisyon sa wage board bago dumating ang nasabing araw o sa mismong araw ng pagdinig.

Hinikayat naman ng kalihim ang laborers, employers, at iba pang concerned sectors sa Metro Manila na dumalo sa nasabing public hearing at iprisinta ang kanilang mga posisyon sa wage increase.

Matapos ang public hearing, magsasagawa naman ng deliberasyon ang RTWPB upang malaman kung magkano ang wage increase na ipatutupad kung sakali.

Una nang naghain ng petisyon ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), na humihiling ng P75 wage increase para sa mga minimum wage earners sa Metro Manila.  Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply